Sunday, August 28, 2011

Oo Nga't Pagong



Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing na nakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nang itapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba't malaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang kwento. Ganito iyon.

Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan.

Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.

"Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.

"Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.

"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.

"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni Pagong.

"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.

"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong.

"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.

"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito,"
sabi ni Pagong.

"Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.

"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing.

Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang nakapamamasyal.

Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni Matsing.

"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita."

"Ako po ang dahilan? Bakit po?" t
anong ni Pagong.

"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.

"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.

"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing.

"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong.

"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.

"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong.

"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig. 

At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.

Alamat ng Bulkang Mayon


Ang kwentong ito ay nangyari sa Bicol. May isang pinuno roong ang pangalan ay Raha Karawen. Siya ay may anak na napakaganda. Ito ay si Daraga. Mahal na mahal ng raha ang kaisa-isang anak. Ang kagandahan ni Daraga ay napapabalita rin sa iba't-ibang lupain.

May isang masugid na manliligaw si Daraga. Ito ay si Kawen. Ginagawa niya ang lahat para mapaibig lang niya ang dalaga. Kahit ano ang gawin ni Kawen, hindi siya makuhang ibigin ni Daraga sapagkat may iniibig na itong iba. Ito ay si Mayun. Siya ay nakatira sa ibang lupain.

Nalaman ni Raha Karawen ang tungkol sa mga mangingibig ng kanyang anak. Maayos niyang kinausap ang mga ito.

"Kailangang ipakita muna ninyo sa akin na kayo ay karapat-dapat sa pag-ibig ng aking anak. Magsisilbi kayo sa akin," ang sabi ni Raha Karawen.

Hindi nagustuhan ni Kawen ang sinabi ng raha. Ayaw niyan magsilbi dahil siya ay anak din ng isang raha. Gumawa siya ng paraan para mapasakanya si Daraga. Tumawag siya ng mga kawal at marahas niyang ipinadukot ito. Itinago nila si Daraga.

Nakarating ang balita kay Raha Karawen pati na rin sa binatang si Mayun. Nang matagpuan ni Mayun ang kinalalagyan ni Daraga ay matapang siyang nakipaglaban upang mabawi ito. Takot na takot na yumakap si Daraga kay Mayun. Subalit tinamaan sila ng palaso ni Kawen. Doon na namatay ang nag-iibigang sina Mayun at Daraga.

At lumipas ang maraming taon, sumulpot ang magandang bulkan sa lugar na kinamatayan nina Mayun at Daraga. Ito ay tinawag na Bulkang Mayon. Ang kagandahan ng bulkan ang nagpapakita ng kagandahang loob nina Mayun at Daraga.


Ang Maya at Ang Tarat


"Maganda ang kinabukasan
Ng taong mapagpakumbaba."

Noong unang panahon, nakipagkaibigan ang maya sa tarat. Isang araw habang naghahanap sila ng pagkain, nakakita ang tarat ng mga siling pula na pinatutuyo sa banig.

"Tingnan mo ang mga sili," sabi ng tarat sa maya. "Kaya mo bang kainin yan? Ako, kayang-kaya ko. Kung gusto mo, magpaligsahan tayo sa pagkain niyan."

"O, sige," ang sagot ng maya.

"At kung sino ang manalo ay kakainin ang isa sa atin," sabi ng tarat.

Tumawa lang ang maya sa akalang nagbibiro ang tarat. Maya-maya, nagsimula na sa paligsahan ang magkaibigan. Ang maya ay kumain ayon sa kanilang kasunduan pero ang tarat ay hindi. Siya ay nandaya. Sa bawat sili na kanyang kinain, nagtatago siya ng tatlong sili sa ilalim ng banig na hindi napansin ng maya.

"Nanalo ako! Kakainin na kita!" ang tuwang tuwang sabi ng tarat.

"O, sige," ang tugon ng maya. "Tutupad ako sa pangako. Pero bago mo ako kainin, maghugas ka muna ng iyong tuka. Alam ng lahat na isa kang maruming ibon sapagkat kinakain mo lahat ng maruming bagay."

Umalis ang tarat. Nagpunta sa ilog upang maghugas. Hindi pumayag ang ilog dahil siya nga ay isang maruming ibon.

"Humanap ka ng palayok na lalagyan ng tubig," ang sabi ng ilog.

Naghanap ang tarat. Nakita niya ang gumagawa ng palayok ngunit wala itong gawa. Pinaghanap siya ng lupang  gagamitin sa paggawa ng palayok.

May natanaw siyang lupa sa di kalayuan. Magsisimula na siyang humukay nanag biglang nagsalita ang lupa. "Alam ng buong mundo na ikaw ay kumakain ng basura. Hindi ko mapapayagan ang iyong paghuhukay kung hindi ka gagamit ng pala," ang wika ng lupa.

Hinanap ng tarat ang panday para magpagawa ng pala. Hindi ito makagawa dahil walang apoy. Tinungo niya ang kapitbahay. Nakita niyang nagluluto ang asawa ng magsasaka. Siya'y natutuwang nagsabi:

"O, mahal na ina!
Bigyan ako ng apoy,
Para makagawa ngpala,
Para makahukay ng lupa,
Para makabuo ng palayok,
Para lalagyan ng tubig,
Para makapaghugas ng aking tuka,
Para maging malinis ang aking sarili,
At nang makain ang maya."

"Gusto mo ng apoy? Paano mo ito madadala?"
ang tanong ng babae.

"Ilagay mo sa aking likod," ang tugon ng tarat.

Inilagay ng babae ang apoy sa likod ng tarat. Maya-maya, nagsimulang masunog ang kanyang pakpak. Ang mayabang na tarat ay nasunog. Samantalang ang mapagpakumbabang maya ay namuhay ng maligaya sa mahabang panahon.

Ang Tigre at Ang Pusa







"Sumunod sa kasunduan
At huwag magsamantala."

Isa sa mga grupo ng hayop na nakatira sa gubat ay ang tigre at pusa. Masaya ang kanilang samahang kinaiinggitan ng ibang hayop. Ngunit dumating ang panahong naging magkaaway ang dalawa.

Sinasabi noon na sila ay tinatawag na magpinsan dahil sa kanilang pagkakahawig sa maraming bagay. Malaki nga lang ang tigre sa pangangatawan. Subalit sila ay nagtataglay ng kanya-kanyang katangian.

Magaling sa pag-akyat sa mga punongkahoy ang pusa. Kung may pangabib na dumaratal sa kanya, agad siyang umaakyat sa puno upang makaligtas.

Samantala, ang tigre ay may katangiang wala sa pusa. Siya ay mabangis, matapang at napakaliksi. Pinangingilagan siya ng kapwa hayop tuwing maririnig ang kanyang tinig. Natatakot na baka sila kainin nito.

Isang araw ay may hiniling ang tigre sa pusa.

"Maaari mo bang ituro sa akin ang paraan ng pag-akyat mo sa punongkahoy? Naiinggit ako sa iyo kapag nakikita kitang umaaakyat na parang walang ano man."

"Iyon lang pala, kamag-anak. Kaya lang may hihilingin din ako sa iyo"

"Ano iyon?
" ang tanong ng tigre.

"Ituro mo naman sa akin ang tinig mo na para kang naglalambing. Mauuna kang magturo tutal malaki ka naman sa akin," ang sabi ng pusa.

Tumupad ang tigre sa kanilang usapan. Tinuruan niya ang pusa. Oras na para ang pusa naman ang magturo. Bigla itong nagdahilan. Umakyat ito sa puno.

"Naisip ko na hindi na kita dapat pang turuan," ang sabi niya. Nagalit ang tigre pagkarinig sa sinabi ng pusa.

Nang mga sandaling iyon, napalapit ang aso sa likod ng tigre. Hindi niya alam ang alitan ng dalawa. Nakita siya ng tigre at hinabol. Nalaman ng aso ang dahilan ng sobrang galit ng tigre. Nainis ang aso sa pusa. Kung hindi sa kanya, hindi siya hahabulin ng pusa. Ito ay kanyang pinaghahabol. At upang maiwasan ng pusa ang panganib sa kagubatan, minabuti niyang manirahan na lamang sa bayan at magpakabait sa tahanan ng mga tao.

Hanggang ngayon tuwing makikita ng aso ang pusa, ito ay kanyang hinahabol.


Saturday, August 27, 2011

Ang Masamang Kalahi

 
 
"Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,
Ay sariling bitag na papanganyaya.
"

Buhat nang mapatakbo ni Goriong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang kulungan ang natalong Katyaw, at doon sa bagong kulungan ay madaling nakapamayagpag na muli ang talisain.

Ang mga Leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa mga banyagang manok na si Kristetang Leghorn.

Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.

"Naku!" ang bulalas ng dumalaga. "Ako pala'y sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya."

"Di yata?" ang bulalas din ni Aling Martang Manok.

"At katakut-takot na paninira daw ng laban sa mga kalahi ang ginagawa ng talisaing yan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo."

Gayon din ang ikinagagalit ni Toniong Tandang nang siya ay dumating.

"Napakasamang manok niyang si Tenoriong Talisain," ang wika ng tandang. "Kanina lamang ay nakita ko kung paano siya lumakad at nagsalita na animo'y ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko pa'y nagpapakulay daw ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapanginginig ng laman."
"Pabayaan nyo siya," ang wika ni Aling Martang Manok. "Pagsisisihan din niya ang kanyang ginagawa sa bandang huli."

Ilang araw pagkatapos ay dumating si Goriong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusot na gusot ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, bugbog sarado ang buong katawan at halos hindi makagulapay.

"Bakit, ano ang nangyari?" ang sabay-sabay na tanong ng mga kalahing manok.

"Matagal na pala siyang kinaiinisan ng mga leghorn," ang wika ni Goriong Tandang. "Kanina'y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na leghorn."

"Bakit hindi mo pa hinayaang mapatay?" ang wika ng mga manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa."

"Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan,
" ang wika ni Goriong Tandang. "Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo'y wala na siya ngayon."

"Nakita mo na Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok."Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan."

Friday, August 26, 2011

Ang Kabayo at ang Manok


"Ang bawat isa ay may taglay na kakaibang katangian."

May isang matangkad na kabayo na nakatira sa bukid. "Napakasarap talagang maging matangkad," madalas nitong sabihin sa sarili.

Narinig ito ng manok. "Hindi yata," ang sabi ng manok. "Mas masarap ang maging maliit. Totoong mainam ang maging maliit."

"Halika, tayo ay maglakad-lakad. Tingnan natin kung ano ang mas mainam," ang sagot ng kabayo.

Nakakita sila ng pader. Maraming puno sa tabi ng pader. Kinain nang kinain ng kabayo ang mga dahon ng puno habang nakatingin lang ang manok sa kanya.

"O ano, di ba mas masarap ang maging matangkad?" ang tanong ng kabayo habang ngumunguya ito.
"Halika, pumunta tayo sa dako pa roon," ang yaya ng manok.

May nakita silang napakataas na pader. Nakita nilang may butas ito sa parteng baba.

Pumasok ang manok sa butas at pumunta sa taniman ng gulay. Tumuka siya nang tumuka ng mga gulay sa halamanan habang nakamasid lamang ang kabayo. Naghintay na lamang ang kabayo na makatapos kumain ang manok.

"O, naniwala ka na. Di ba mas mainam ang maging maliit?" ang sabi ng manok.

Napangiti ang kabayo at kanyang sinabi, "Ah, naisip ko na. Kailangang maging masaya tayo. Tanggapin natin kung anuman ang mayroon tayo."

"Tama, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian. Hindi tayo dapat magpagalingan," ang tugon ng manok.

Mula noon lagi na silang magkasama. Naging mabuti silang magkaibigan.

Thursday, August 25, 2011

Ang Uod, Ang Higad at Ang Linta



"Huwag ugaliing manghamak ng kakayahan ng iyong kapwa,
Bagkus ay iyong respetuhin at igalang."

Nakatira sa ilalim ng dahon ang isang uod at nakatira rin sa isang dahon sa kabilang puno ang isang higad.

Nagkasalubong ang dalawang ito isang hapon.

"Kaibigang Higad," ang sabi ni Uod. "Tayo nga'y maghabulan at nang ating makita kung sino sa atin ang higit na matuling gumapang." "Iyon lamang pala," agad na sagot ni Higad. "Makikita mo rin ang tulin ko ngayon."

Pinahaba ng mayabang na Higad ang kanyang mabalahibong katawan.

Di pa sila nag-uumpisa sa pagkakarera nang sa darating ang kaibigan nilang Linta.

"Aha! Mabuti't dumating ka, Kaibigang Linta. Kailangan ka namin ni Higad,
" ang bungad ni Uod. "Magpapaligsahan kaming dalawa upang malaman kung sino sa amin ang higit na mabilis gumapang."

"Aba, tila maganda ang inyong hamunan
," sagot ni Linta. "Ako rin ay makikipagkarera sa inyo."
"Kaibigang Linta, tila hindi mo kaya ang gawaing ito. Hindi ka mananalo sa amin. Kaya't taga-hatol ka na lamang," paalala ni Higad.

Natuwa si Uod sapagkat aniya sa sarili, dalawa raw ang kaniyang matatalo sa labanang iyon.

Sa madaling panahon, nag-umpisa na ang magkakaibigan. Nagpaiktad-iktad si higad at nagpahaba naman ng katawan si Uod. Si Linta ay piliy na iniuunat ang katawan ngunit ito'y talagang walang panama sa dalawa niyang kalaban.

Walang anu-ano'y may nagdaang isang matandang babae na nakasaya.

Huminto siya't nagpahinga at sa ganitong paraan kumabit si Linta sa kanyang saya. Pagkaraan ng ilang sandali, lumakad na muli ang matanda patungo sa isang batong malaki na hantungan ng kanilang pagkakarera. Talagang masuwerte si Linta sapagkat noong makita ng matanda ang bato, siya ay biglang umupo rito. Dali-daling umalis si Linta sa pagkakakabit sa saya ng matanda. Mabilis siyang umalis sa kinalalagyan ng matanda at walang anu-ano ay nakita niyang dumating sina Higad at Uod.

"Ano ang ginawa mo at nauna ka pa sa aming dalawa?" nagtatakang tanong nina Higad at Uod. "Ikaw pala ay may itinatagong galing!"

Natawa na lamang sa kanyang sarili si Linta at ito ang nasabi. "Matalino man daw ang matsing ay napaglalalangan din."

Wednesday, August 24, 2011

Ang Manok at ang Bayawak





"Minsan pang napatunayan na ang Ina ay hindi matitiis ang anak,

Ngunit ang anak ay pwedeng tiisin ang magulang."

Isang umaga ay maagang nagtungo si Aling Coring Manok sa tabi ng sapa. Maraming kangkong doon at alam niyang mabuting pampalakas ng katawan ang usbong ng kangkong.

Payapang-payapa si Aling Coring sa kanyang pangunguha ng usbong, nang makaramdam siya ng marahang kaluskos sa dakong likuran. Nang siya'y sasagpangin na lamang, biglang nagtatakbo si Aling Coring at nakaligtas mula kay Landong Bayawak. Ngunit nanag dumating siya sa bahay ay nakalawit ang dila sa paghingal at maputlang-maputla sa takot.

"Muntik na akong mapatay ni Landong Bayawak," ang wika ni Aling Coring Manok. "Mabuti na lamang at nakatakbo ako."

Takang-taka si Mariong Sisiw sa nakitang pagkatakot ng kanyang ina. Isa-isa niyang nalaman na bukod pala kay Luciong Lawin at Manok Uwak ay may Landong Bayawak pa na dapat katakutan.

"Bakit kaya natatakot sa Landong Bayawak na yan ang aking ina, Toniong Tandang?" ang tanong ni Mariong Sisiw na nanliligaw sa kanyang kapatid.

"Aba, talaga! Kung ako'y takot kay Landong Bayawak, ang Nanay mo pa kaya?" ang wika ni Toniong Tandang. "Si Landong Bayawak ang nakapatay sa aking kapatid na dalawang beses nang nanalo sa sabong."

Isang hapon ay magkakasama ang mag-iina sa tabi ng sapa na malayo sa kinakitaan ni Aling Coring Manok kay Landong Bayawak. Maraming pagkaing natagpuan ang mga sisiw at nagkakaingay ang mga itong pinag-aagawan. Hindi tuloy napansin ni Aling Coring ang muling kumakaluskos mula sa isang malagong puno ng akasya sa tabi niya.

Ngunit sa halip na magtatakbo si Aling Coring Manok ay nanalaban siya mula kay Landong Bayawak. Pinagtutuka niya ang bayawak samukha hanggang sa natakot na rin ito at nagtatakbong palayo.

Nang nasa bahay na si Aling Coring Manok ay saka siya nilagnat sa takot.

Ngunit tuwang-tuwa at nagmamalaki si Mariong Sisiw nang dumating si Toniong Tandang.

"Toniong Tandang," ang wika ni Mariong Sisiw, "Dahil sa amin ay lalaban pala ng patayan ang aming mahal na ina."





Ang Magkaibigang Isda



"Ang nakikinig sa saway at payo ng mga nakatatanda ay napapabuti,
Nguint ang mapangahas ay kadalasa'y nasasadlak."

Ang karagatan ay punung-puno ng maraming kasaysayan. Ang kasaysayang ito na mababasa mo ay nahahalintulad din sa kasaysayang maaaring mangyari sa lupa. Ating tunghayan at alamin ang kanilang pagkakahalintulad.

Noong isang panahon sa isang maliit na ilog na dumadaloy sa karagatang Pasipiko ay may tatlong isda. Ang pinakamaliit ay punung-puno ng sigla na hindi siya mapipigilang lumangoy hanggang sa pinakamalayong bahagi ng ilog nang nag-iisa.

Isang araw ay sumapit siya sa bahagi ng ilog na dumadaloy sa bibig ng dagat.

Ang lawak pala ng mundo,” wika niya sa sarili. "Ang akala ko’y napakalaki na ng ilog na tinitirhan namin.”

Nagmamadaling bumalik ang maliit na isda sa ilog at nakatagpo niya ang dalawa niyang kasamahan.

Nais kong tingnan ang buhay sa karagatan. Mukhang napakarami kung matutuhan sa kalawakan nito,” ang sabi ng maliit na isda.

Mapanganib pumunta doon,” wika ng malaki at marunong na isda. “Higit na ligtas ka rito laban sa mga mangingisda sa dagat,” ang dugtong pa nito.

Ngunit palayo na ang isdang maliit.

Huwag kayong mag-alaala,” sambit niya. “Di ako matatagal. Babalik din ako dito sa atin.”

Pagsapit niya sa bunganga ng dagat ay mabilis siyang naanod ng hugos ng tubig.

Ang laki pala talaga nitong karagatan. Ni wala akong makitang mga batong malalaki, di tulad sa aming ilog.”

Boom! Boom!” ang narinig niyang tunog sa malayong dako.

Ano kaya iyon?” nagtatakang wika niya.

Lumangoy siyang patungo roon. Ngunit nahinto siya at nakita niyang maraming maliliit pang isda kaysa kanya ang lumulutang sa tubig. Kung hindi hilo ay malamang na patay na ang mga ito.

Pabalik na siya sa ilog. “Ayaw ko na yatang magpatuloy pa,” wika niya. “Mukhang mapanganib nga rito.”

Ngunit hindi siya makapagpatuloy. Siya ay dala-dala ng lambat ng isang mangingisda.

Noon lumabas ng dalawa niyang kaibigan. Lumukso ang mga ito sa tubig at nagpakita sa mangingisda.

Ang lalaki ng mga isdang iyon!” ang sabi niya ay sabay angat ng lambat upang sila naman ang hulihin.
Nakawala ang maliit na isda at ang dalawang kaibigan niyang isda’y mabilis ding lumangoy kasama niyang pabalik sa ilog.

Salamat, mga kaibigan,” wika ng maliit na isda.” Kung hindi sa tulong ninyo marahil ay wala na ako.”

“Lihim kaming sumunod sa iyo,” wika ng isa.

May narinig akong mga putok at nakita kong maraming mga isda ang naglutang sa tubig. Ano ba iyon?” tanong niya.

Ah, iyon ay mga putok ng dinamita. Ginagamit ng ilang masasamang mangingisda iyon upang mapadali ang paghuli nila ng isda,” wika ng malaking isda.

Naniniwala ka na ba sa amin? Ang lugar na kinalakhan mo ay tahimik at maraming kaginhawaang maibibigay sa iyo,” wika niya.

Ang panganib ay di gaano at marami tayong magtutulungan,” sagot ng kasama niya.

Hindi na ako lalayo dito. Pakikinggan ko ang payo ninyo at salamat na muli mga kaibigan.

At patuloy siyang lumangoy sa malamig na tubig ng ilog.

Saturday, August 20, 2011

ANG UNGGOY AT ANG BUWAYA

"Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,
Makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal."



Matagal nang nanginginain si Unggoy ng isang puno ng makopa na hitik sa bunga. Naisip niyang maglubay pansumandali. Tumanaw siya sa ibayo, sa kabila ng ilog. Ibig naman niyang tikman ang saging doon. Pinagmasdan niya ang ilog at kanyang napansin na wala siyang matutulayan. Mabuti sana kung nakalitaw ang ilang malalaking tipak ng bato o kaya ay may lumulutang na kahit tangkay ng saging. Subalit sa kabutihang palad, natanaw niya si Buwaya.

Naisip ni Unggoy na hindi naman niya kaibigan si Buwaya, subalit makikipagsapalaran siya. Ang ginawa niya'y mabilis siyang bumaba sa puno ng makopa at nagmadaling lumapit kay Buwaya.

"Kaibigang Buwaya," tawag ni Unggoy. Nagulat si Buwaya, "Maaari bang ihatid mo ako sa kabilang pampang?"

Nagtaka si Buwaya. Subalit madali niyang pinawi ang kanyang pagtataka nang mapagmasdan ang malusog na unggoy.

"Bakit hindi, kaibigang Unggoy. Sakay na at ihahatid kita sa kabila."

Madaliang lumundag si Unggoy sa makapal na likod ni Buwaya. Lumiyad nang ganap si Buwaya at banayad na tumawid na. Nang nasa gitna na ng ilog, tumigil saglit si Buwaya at patawa itong nagsalita. "Aha! Wala kang kawala, Ginoong Matsing. Tuso man daw ang matsing, napaglalalangan din. Kailangan naman akong magpakabusog sa pinakahihintay kong atay mo."

Subalit maliksing nag-isip si Unggoy. "Ngunit, kaibigang Buwaya, nakahihiya talaga s aiyo. Alam kong ibig na ibig mo ng atay kaya talagang inilaan ko na ito sa iyo. Isinabit ko nga sa punong makopa. Hayun!" At itinuro ang punong hitik sa mapupulang bunga. "Ngunit nagmamadali nga ako kaya nakalimutan kong naisabit ko pala. Kaya kung ibig mo, bumalik tayo roon upang kunin ang atay na kinasasabikan mo."

Walang sandaling sinayang si Buwaya at mabilis niyang ibinalik si Unggoy sa pampang na pinanggalingan. Nang makasapit na sila sa pampang, wala ring sandaling sinayang si Unggoy. Mabilis siyang lumundag sa pampang. At nang nasa pampang na ay patawa naman siyang nagsalita: "Aha! Sino ngayon ang dapat na magtawa?"

Ang buwaya ay galit na galit sa kanyang sarilu sapagkat siya ang napaglalangan ng matalinong si Unggoy.

Ang Matsing at ang Dalawang Pusa

"Kapag hindi matunong magbigayan, malungkot ang kalalabasan.
Dapat ay parehong magparaya, nang sa gayon lahat ay makinabang."

 
  


Si Don Juan ay puno ng isang angkan na kinikilala at iginagalang sa nayon ng Pag-asa.

Punung-puno ng iba't-ibang uri ng hayop ang napakalaking bakuran ni Don Juan.

Isang araw, dalawang pusa ang nagtatalo at di malaman kung paano nila hahatiin ang malaking isda na ibinigay sa kanila ng katiwala ni Don Juan. Ang mga pangalan ng dalawang pusa ay Muning at Kuting. "Gusto ko ang bahaging may ulo," sabi ni Muning. "Kung ganoon, higit na malaki ang mababahagi ko sapagkat papaliit ang dakong buntot," sagot ni Kuting. "Aba, hindi ako makakapayag nang ganoon. Hatiin natin sa gitna at iyo ang parteng may buntot at akin naman ang bandang ulo," sabi ni Muning.

Sa pagkakataong yon ay dumating si Matsing at ganito ang kanyang sinabi;

"Makinig kayo sa akin. Bayaan ninyong ako na ang maghati nitong pinagkakagalitan nyo. Babawasan ko nang kaunti ang bandang ulo para wala ka nang tutol sa hatian, Kuting."

At biglang kinurot at kinain ni Matsing ang bahagi ng laman sa may tiyan.

"Ano na iyang ginawa mo, Matsing? Tingnan mo at malaki pa ang bahagi sa may buntot samantalang ang bahagi ko ay lumiit na," bati ni Muning.

Dinampot ni Matsing ang bahaging may buntot at kumurot din at sa madaling panahon ay lumiit ang bahaging tiyan.

"Pambihira ka naman, Matsing. Hindi ako papayag na higit na malaki ang maiuwi ni Muning," wika ni Kuting. "Huwag kang mag-alala, madali lang gawan ng paraan iyon," sabi ni Matsing.

Ang ngayo'y paagaw na kinuha ni Matsing ang nalalabi pang bahagi ng isda sa may bahaging ulo.

"Oo nga pala, hano!" Halos hindi na nagpaalam si Matsing at sinunggaban na lamang bigla ang isda na hawak ni Kuting.

Nang mapansin ng dalawang kawawang pusa na wala na pala silang paghahatian, hinabol nila si Matsing ngunit itong madayang si Matsing ay higit na mabilis na tumakbo kaysa sa kanilang dalawa.

Nakita ninyo ang kinalabasan ng dalawang magkasamang hindi marunong magbigayan. Bumalik si Muning at si Kuting sa dati nilang kinalalagyan. Pareho silang malungkot at gutom na gutom, at galit na galit kay Matsing.

Ang Ibon at ang Langgam



"Ang pagtutulungan ay mabuting gawa,

Ang pagdadamaya'y napakadakila,
Magtulungan tayo at managana,
Magdamayan tayo'y magtatamong-pala."


Mayroong isang langgam sa tabi ng batis,Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig, sa nilutang-lutang at inikit-ikit, kamatayan niya’y lalong lumalapit.

Sa tabi ng batis; sa may sanga ng kahoy ay may namumugad namang isang ibon, sa kawawang langgam nagbigay ng tulong,naglaglag ng isang maliit na dahon.

Sa dahong nalaglag langgam ay kumapit,Kaya’t nakaligtas siya sa panganib.Ang pasasalamat ay di mahulip,“Makagaganti rin!” ang ipinagsulit.

Sa nasabing puno ng kahoy ang langgam ay gumawa ng bahay. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.Gumawa ng punso o puntod at pinagsikapang bantayan ang ibonHabang nabubuhay. Ilang araw lamang ang nakalipasMay isang binata ang lumabas sa gubat.May saklay itong pana sa kanyang balikat at ang ibon ay siyang hinanap.

Nang napapagod na’y nakaramdam ng uhaw ang binataKaya’t nakarating siya sa batisan. Dito niya nakita ang ibonNa siya niyang pakay, nasa sanga ng kahoy at gustoNiyang hulihin, at kara-karaka’y kinuha ang kanyang panaAt papanain n asana ang ibong kawawa. Ngunit nagulantangNa lamang ang binata nang sugurin ng mga langgam ang kanyang paa.

Sa pagkagulat ng binata nahulog ang kanyang sibat, nagkaroonNg pagkakataon ang ibon para makalipad. Ang binata naman sa Sakit ng mga kagat dulot ng mga langgam sa pook na yaon ay umalis agad.Ang nangyaring ito sa ibon at sa langgam saksing mahalagaSa pagtutulungan. Iligtas mo ako sa kapahamaka’t, Ililigtas kita sa kapanganiban.

Friday, August 19, 2011

Dracula Jokes and Funny Facts

Dracula is one of my favorite fiction characters of all time. I was fascinated by his other-worldly charm and grace (Yes, Dracula has grace!) ever since I was given a copy of Bram Stoker's Dracula as gift on my 15th birthday. From that moment on, my interest in him grew as years passed. I watch every movie about the famous count and read every article I can find in the internet. Yes, you can guess that if he really exist I'll be his number one fan... and stalker?!

Here is a collection of my favorite Dracula jokes and I hope you enjoy them as much as I do.
 



DID YOU KNOW?

When Dracula goes out on a date with a woman he always feels like necking!

Dracula is a person who becomes jocular when viewing a jugular.

Dracula is definitely a pain-in-the-neck.

Dracula fell in love with a woman vampire, but they couldn't get married. You might say they loved in vein.

Not many people know this, but when Dracula was a boy he had to wear braces --- the poor kid had bucked fangs!

I've heard that when Dracula goes to sleep he sometimes has horrible bitemares.

Count Dracula has just run off with a giraffe. He fell madly in love as soon as he saw her neck!

Dracula is known to love flowers. On Sunday afternoons he can often be seen with his family at the Bat-anical gardens.

When he's through with one victim and ready for another, Dracula yells, "Neck-st!"


DRACULA AND THE DENTIST


"I'll have to charge you one hundred dollars to fill this cavity," said the dentist to Dracula.
"But that's impossible!" answered Dracula. "Your rates are only twenty dollars per cavity."
"Generally that's correct, but as soon as you came into the waiting room you frightened away all my other patients.:

When Dracula woke up from the anaesthetic, he saw the dental surgeon standing over him.
"I've got some good news and some bad news," said the dentist. "First the bad news --- I pulled the wrong fang. Now the good news --- your other fang doesn't need pulling after all."

"Mommy," said young Dracula, "That dentist wasn't painless like he advertised."
"Did he hurt you dear?"
"No, but he screamed just like any other dentist when I bit his pinky."



DRACULA AND FRIENDS

Dracula said to Wolfman, "I hate to be the one to tell you this, but you look like you're going to the dogs!"

Dracula took his ghoul-friend to the theater. After the show, he took her for a bite!

Dracula thinks of children as his own flesh and blood...
...He's always happy to have another child. He says, "I like to feel I'm bringing new blood into the business."

Dracula and an Indian were having a rest after giving blood at the clinic.
"Are you a full-blooded Indian? asked Dracula.
"Usually I am," replied the Indian, "but right now I'm a couple of pints short."


DRACULA'S FAMILY

Dracula's son: All the boys at school tease me --- they say I'm a vampire.
Mother: Don't pay any attention to them --- they're just ignorant children. Now finish your soup before it clots.

Dracula's son shows signs of becoming a real artist --- he loves to draw blood.

Dracula's caring wife said to him, "You don't look well --- your eyes are all bloodshot."

Dracula's son: What's a dentist?
Dracula: Just think of her as a filling station.

Dracula's wife claims a dentist is someone with a lot of pull.


SO...

If you open your door and see Dracula, what should you do?
Me? I'll pray it's Halloween!


P.S.

Just a thought --- does Dracula have a wisdom fang?

Thursday, August 18, 2011

Ang Kalabaw at ang Uod


"Huwag hamakin ang maliit sa atin,
Bagkus tulungan kung kakailanganin."

"Igalang natin ang karapatan ng iba,
Para naman tayo ay irespeto nila."


"Huwag mong galawin ang aking bahay. Ibig kong matulog." Pakiusap ng uod na natutulog. Ngunit lalong lumakas ang galaw ng punong-kahoy. Nakita niyang kinakaskas ng isang kalabaw ang kanyang ulo sa punong-kahoy, kaya pala ito nayuyugyog ng ganun na lamang.

"Bakit ibig mong matulog, e, maliwanag na at kay ganda-ganda ng umaga," wika ng kalabaw.

Hindi nalalaman ng kalabaw na sadyang may panahong dapat matulog ang uod ng ilang linggo bago magkaroon ng pakpak at makalipad. Noo'y kasalukuyang nananaginip sa kanyang pagtulog ang uod at umaaasang pag-gising niya'y isa na syang magandang paru-paro.

Ikinaskas na naman ng kalabaw ang ulo niyang kumakati sa punong-kahoy.

"Sinabi nang huwag akong gambalain sa aking pagkahimbing ah! Bayaan mo akong makatulog," ulit ng uod.

"At sino kang pipigil sa akin? Isang uod ka lamang!" sigaw ng kalabaw na siya pang nagagalit.

Ginalaw niya nang ginalaw ang punong-kahoy hanggang sa mahulog ang uod.

"Ngayon," sabi ng kalabaw, "diyan ka sa lupa kasama ng mga kapwa mo bulati."

"Namamali ka!" sagot ng uod. "Akala mo isa lamang akong bulati. Makikita mo at balang araw may pakpak na ako at isa na akong magandang paru-paro."

"Hindi mo ako mapaniniwala!" sagot ng kalabaw. "Tutuntungan lamang kita's patay ka na ngayon din!"

Tumadyak ang kalabaw upang pisain ang uod, ngunit ito'y nakagapang sa isang malapit na butas sa punung-kahoy. Doon siya nakatulog nang husto. Nang walang magawa ang kalabaw, hinamon na lamang ang uod.

"Lumabas ka riyan, uod. Isama mong lahat ang iyong mga pinsan at lumaban kayo sa akin!"

"Lumayas ka na kalabaw," sagot ng uod. "Bayaan mo muna akong makatulog. Humanda ka pagkatapos ng dalawang linggo, magkita tayo sa malaking parang kasama kong lahat ang mga kulisap at ibong lumilipad. Isama mong lahat ang malalaking hayop-lupa at maglalaban tayo. Araw ng Sabado pagkalipas ng dalawang linggo, magkikita tayo sa malaking parang, tandaan mo!" ulit ng uod.

Umalis na ang kalabaw at nakatulog na ang uod. Pinuntahan na ng kalabaw ang lahat ng hayop-lupa at pinagsabihan ang mga ito ukol sa nalalapit na labanan. Biyernes pa pagkalipas ng dalawang linggo, nagising na ang uod. May pakpak na at dahan-dahan itong ginalaw. Isa na siyang marikit na paru-paro. Nasalubong nya sa himpapawid ang dakilang lawin. Sinabi niya ang labanang nalalapit ng mga hayop-lupa at mga hayop na lumilipad.

Kinabukasan, Sabado. Maagang-maaga sa Malaking Parang ang kalabaw kasama ang maraming kalabaw, mga toro, baka, kabayo, aso, pusa at unggoy. Inaantay nila ang mga ibon at kulisap na kalaban.

Walang anu-ano'y dumating nang sumusugod ang malaking lawin, kasunod ang lamok, bubuyog, kuliglig, uwang, salagubang at balang.

Tinuka agad ng lawin ang malalaking hayop. Mabilis na nilibot ng balang, uwang at salagubang ang taynga at ilong ng mga malalaking hayop. Kinagat naman sila ng lamok at namantal ang buo nilang katawan.

"Ano ang sinasabi mo ngayon?" tanong ng paru-paro sa kalabaw.

"Wala na! Layas na kayo! Lipad na kayo nang malayo!" Sunod-sunod na wika ng kalabaw.

"Hindi kami lalayas!" sagot ng paru-paro. "Titigil kami rito at hindi kami uurong sa labanan!"

Unang tumakbo ang kalabaw, kasunod ang mga kasama niyang malalaking hayop na gumagalaw sa lupa. Samantalang nagdiwang sa himpapawid ang mga hayop na lumilipad.

"Maliit Man at Matindi, Daig ang Malaki"