"Ang bawat isa ay may taglay na kakaibang katangian."
May isang matangkad na kabayo na nakatira sa bukid. "Napakasarap talagang maging matangkad," madalas nitong sabihin sa sarili.
Narinig ito ng manok. "Hindi yata," ang sabi ng manok. "Mas masarap ang maging maliit. Totoong mainam ang maging maliit."
"Halika, tayo ay maglakad-lakad. Tingnan natin kung ano ang mas mainam," ang sagot ng kabayo.
Nakakita sila ng pader. Maraming puno sa tabi ng pader. Kinain nang kinain ng kabayo ang mga dahon ng puno habang nakatingin lang ang manok sa kanya.
"O ano, di ba mas masarap ang maging matangkad?" ang tanong ng kabayo habang ngumunguya ito.
"Halika, pumunta tayo sa dako pa roon," ang yaya ng manok.
May nakita silang napakataas na pader. Nakita nilang may butas ito sa parteng baba.
Pumasok ang manok sa butas at pumunta sa taniman ng gulay. Tumuka siya nang tumuka ng mga gulay sa halamanan habang nakamasid lamang ang kabayo. Naghintay na lamang ang kabayo na makatapos kumain ang manok.
"O, naniwala ka na. Di ba mas mainam ang maging maliit?" ang sabi ng manok.
Napangiti ang kabayo at kanyang sinabi, "Ah, naisip ko na. Kailangang maging masaya tayo. Tanggapin natin kung anuman ang mayroon tayo."
"Tama, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian. Hindi tayo dapat magpagalingan," ang tugon ng manok.
Mula noon lagi na silang magkasama. Naging mabuti silang magkaibigan.
ang lahat ng mabait, subalit iilang lang ang mga mabubuti
ReplyDeletePlaygroup Singapore
ang cute shet
ReplyDeleteHatdog
ReplyDelete