"Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,
Ay sariling bitag na papanganyaya."
Ay sariling bitag na papanganyaya."
Buhat nang mapatakbo ni Goriong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang kulungan ang natalong Katyaw, at doon sa bagong kulungan ay madaling nakapamayagpag na muli ang talisain.
Ang mga Leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa mga banyagang manok na si Kristetang Leghorn.
Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.
"Naku!" ang bulalas ng dumalaga. "Ako pala'y sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya."
"Di yata?" ang bulalas din ni Aling Martang Manok.
"At katakut-takot na paninira daw ng laban sa mga kalahi ang ginagawa ng talisaing yan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo."
Gayon din ang ikinagagalit ni Toniong Tandang nang siya ay dumating.
"Napakasamang manok niyang si Tenoriong Talisain," ang wika ng tandang. "Kanina lamang ay nakita ko kung paano siya lumakad at nagsalita na animo'y ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko pa'y nagpapakulay daw ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapanginginig ng laman."
"Pabayaan nyo siya," ang wika ni Aling Martang Manok. "Pagsisisihan din niya ang kanyang ginagawa sa bandang huli."
Ilang araw pagkatapos ay dumating si Goriong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusot na gusot ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, bugbog sarado ang buong katawan at halos hindi makagulapay.
"Bakit, ano ang nangyari?" ang sabay-sabay na tanong ng mga kalahing manok.
"Matagal na pala siyang kinaiinisan ng mga leghorn," ang wika ni Goriong Tandang. "Kanina'y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na leghorn."
"Bakit hindi mo pa hinayaang mapatay?" ang wika ng mga manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa."
"Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Goriong Tandang. "Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo'y wala na siya ngayon."
"Nakita mo na Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok."Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan."
huwag mang aapak ng ibang tao
ReplyDeletePlaygroup Singapore
Ano kaya ang gagawin ni tenoriong talisain kung nalaman niya kaagad na siya'y matagal nang kinaiinisan ng mga leghorn
ReplyDeleteisip isip men
Deletesaan ang tagpuan sa kwento
ReplyDeleteDele
DeletePaano Kaya ang gagawin ng dalawa kapag nag tagpong muli ang kanilang mga landas?
ReplyDeleteMagkakamustahan o di kaya ay di magpapansinan
Delete