"Maganda ang kinabukasan
Ng taong mapagpakumbaba."
Ng taong mapagpakumbaba."
Noong unang panahon, nakipagkaibigan ang maya sa tarat. Isang araw habang naghahanap sila ng pagkain, nakakita ang tarat ng mga siling pula na pinatutuyo sa banig.
"Tingnan mo ang mga sili," sabi ng tarat sa maya. "Kaya mo bang kainin yan? Ako, kayang-kaya ko. Kung gusto mo, magpaligsahan tayo sa pagkain niyan."
"O, sige," ang sagot ng maya.
"At kung sino ang manalo ay kakainin ang isa sa atin," sabi ng tarat.
Tumawa lang ang maya sa akalang nagbibiro ang tarat. Maya-maya, nagsimula na sa paligsahan ang magkaibigan. Ang maya ay kumain ayon sa kanilang kasunduan pero ang tarat ay hindi. Siya ay nandaya. Sa bawat sili na kanyang kinain, nagtatago siya ng tatlong sili sa ilalim ng banig na hindi napansin ng maya.
"Nanalo ako! Kakainin na kita!" ang tuwang tuwang sabi ng tarat.
"O, sige," ang tugon ng maya. "Tutupad ako sa pangako. Pero bago mo ako kainin, maghugas ka muna ng iyong tuka. Alam ng lahat na isa kang maruming ibon sapagkat kinakain mo lahat ng maruming bagay."
Umalis ang tarat. Nagpunta sa ilog upang maghugas. Hindi pumayag ang ilog dahil siya nga ay isang maruming ibon.
"Humanap ka ng palayok na lalagyan ng tubig," ang sabi ng ilog.
Naghanap ang tarat. Nakita niya ang gumagawa ng palayok ngunit wala itong gawa. Pinaghanap siya ng lupang gagamitin sa paggawa ng palayok.
May natanaw siyang lupa sa di kalayuan. Magsisimula na siyang humukay nanag biglang nagsalita ang lupa. "Alam ng buong mundo na ikaw ay kumakain ng basura. Hindi ko mapapayagan ang iyong paghuhukay kung hindi ka gagamit ng pala," ang wika ng lupa.
Hinanap ng tarat ang panday para magpagawa ng pala. Hindi ito makagawa dahil walang apoy. Tinungo niya ang kapitbahay. Nakita niyang nagluluto ang asawa ng magsasaka. Siya'y natutuwang nagsabi:
"O, mahal na ina!
Bigyan ako ng apoy,
Para makagawa ngpala,
Para makahukay ng lupa,
Para makabuo ng palayok,
Para lalagyan ng tubig,
Para makapaghugas ng aking tuka,
Para maging malinis ang aking sarili,
At nang makain ang maya."
"Gusto mo ng apoy? Paano mo ito madadala?" ang tanong ng babae.
"Ilagay mo sa aking likod," ang tugon ng tarat.
Inilagay ng babae ang apoy sa likod ng tarat. Maya-maya, nagsimulang masunog ang kanyang pakpak. Ang mayabang na tarat ay nasunog. Samantalang ang mapagpakumbabang maya ay namuhay ng maligaya sa mahabang panahon.
maya and tarat is both lovely birds
ReplyDeletePlaygroup Singapore