Saturday, August 20, 2011

Ang Matsing at ang Dalawang Pusa

"Kapag hindi matunong magbigayan, malungkot ang kalalabasan.
Dapat ay parehong magparaya, nang sa gayon lahat ay makinabang."

 
  


Si Don Juan ay puno ng isang angkan na kinikilala at iginagalang sa nayon ng Pag-asa.

Punung-puno ng iba't-ibang uri ng hayop ang napakalaking bakuran ni Don Juan.

Isang araw, dalawang pusa ang nagtatalo at di malaman kung paano nila hahatiin ang malaking isda na ibinigay sa kanila ng katiwala ni Don Juan. Ang mga pangalan ng dalawang pusa ay Muning at Kuting. "Gusto ko ang bahaging may ulo," sabi ni Muning. "Kung ganoon, higit na malaki ang mababahagi ko sapagkat papaliit ang dakong buntot," sagot ni Kuting. "Aba, hindi ako makakapayag nang ganoon. Hatiin natin sa gitna at iyo ang parteng may buntot at akin naman ang bandang ulo," sabi ni Muning.

Sa pagkakataong yon ay dumating si Matsing at ganito ang kanyang sinabi;

"Makinig kayo sa akin. Bayaan ninyong ako na ang maghati nitong pinagkakagalitan nyo. Babawasan ko nang kaunti ang bandang ulo para wala ka nang tutol sa hatian, Kuting."

At biglang kinurot at kinain ni Matsing ang bahagi ng laman sa may tiyan.

"Ano na iyang ginawa mo, Matsing? Tingnan mo at malaki pa ang bahagi sa may buntot samantalang ang bahagi ko ay lumiit na," bati ni Muning.

Dinampot ni Matsing ang bahaging may buntot at kumurot din at sa madaling panahon ay lumiit ang bahaging tiyan.

"Pambihira ka naman, Matsing. Hindi ako papayag na higit na malaki ang maiuwi ni Muning," wika ni Kuting. "Huwag kang mag-alala, madali lang gawan ng paraan iyon," sabi ni Matsing.

Ang ngayo'y paagaw na kinuha ni Matsing ang nalalabi pang bahagi ng isda sa may bahaging ulo.

"Oo nga pala, hano!" Halos hindi na nagpaalam si Matsing at sinunggaban na lamang bigla ang isda na hawak ni Kuting.

Nang mapansin ng dalawang kawawang pusa na wala na pala silang paghahatian, hinabol nila si Matsing ngunit itong madayang si Matsing ay higit na mabilis na tumakbo kaysa sa kanilang dalawa.

Nakita ninyo ang kinalabasan ng dalawang magkasamang hindi marunong magbigayan. Bumalik si Muning at si Kuting sa dati nilang kinalalagyan. Pareho silang malungkot at gutom na gutom, at galit na galit kay Matsing.

1 comment: