"Minsan pang napatunayan na ang Ina ay hindi matitiis ang anak,
Ngunit ang anak ay pwedeng tiisin ang magulang."
Isang umaga ay maagang nagtungo si Aling Coring Manok sa tabi ng sapa. Maraming kangkong doon at alam niyang mabuting pampalakas ng katawan ang usbong ng kangkong.
Payapang-payapa si Aling Coring sa kanyang pangunguha ng usbong, nang makaramdam siya ng marahang kaluskos sa dakong likuran. Nang siya'y sasagpangin na lamang, biglang nagtatakbo si Aling Coring at nakaligtas mula kay Landong Bayawak. Ngunit nanag dumating siya sa bahay ay nakalawit ang dila sa paghingal at maputlang-maputla sa takot.
"Muntik na akong mapatay ni Landong Bayawak," ang wika ni Aling Coring Manok. "Mabuti na lamang at nakatakbo ako."
Takang-taka si Mariong Sisiw sa nakitang pagkatakot ng kanyang ina. Isa-isa niyang nalaman na bukod pala kay Luciong Lawin at Manok Uwak ay may Landong Bayawak pa na dapat katakutan.
"Bakit kaya natatakot sa Landong Bayawak na yan ang aking ina, Toniong Tandang?" ang tanong ni Mariong Sisiw na nanliligaw sa kanyang kapatid.
"Aba, talaga! Kung ako'y takot kay Landong Bayawak, ang Nanay mo pa kaya?" ang wika ni Toniong Tandang. "Si Landong Bayawak ang nakapatay sa aking kapatid na dalawang beses nang nanalo sa sabong."
Isang hapon ay magkakasama ang mag-iina sa tabi ng sapa na malayo sa kinakitaan ni Aling Coring Manok kay Landong Bayawak. Maraming pagkaing natagpuan ang mga sisiw at nagkakaingay ang mga itong pinag-aagawan. Hindi tuloy napansin ni Aling Coring ang muling kumakaluskos mula sa isang malagong puno ng akasya sa tabi niya.
Ngunit sa halip na magtatakbo si Aling Coring Manok ay nanalaban siya mula kay Landong Bayawak. Pinagtutuka niya ang bayawak samukha hanggang sa natakot na rin ito at nagtatakbong palayo.
Nang nasa bahay na si Aling Coring Manok ay saka siya nilagnat sa takot.
Ngunit tuwang-tuwa at nagmamalaki si Mariong Sisiw nang dumating si Toniong Tandang.
"Toniong Tandang," ang wika ni Mariong Sisiw, "Dahil sa amin ay lalaban pala ng patayan ang aming mahal na ina."

this story is a good example for every child. DAPAT I-VALUE nila ang hirap na ginagawa ng kanilang magulang upang sila ay mabuhay sa mundo.
ReplyDeletePwede po ba malaman kung sino ang may akda ng pabulang ito? Salamat po!
Deleteamazing right.....parang ako din,naka realize kung anong paghihirap ang pinagdaanan nang aking mahal na ina sa ibang bansa......lahat talaga gagawin ng ina para sa kanyang mga anak....maari po bang malaman ang ginintuang aral nito at kung sino ang sumulat? maraming salamat!!
ReplyDeleteAno po ang katangian ni Bokyong Bayawak sa simula ng pabula?
ReplyDeleteAno po ang katangian ni martang manok ?
ReplyDeleteThis story is good
ReplyDelete