Wednesday, August 24, 2011

Ang Manok at ang Bayawak





"Minsan pang napatunayan na ang Ina ay hindi matitiis ang anak,

Ngunit ang anak ay pwedeng tiisin ang magulang."

Isang umaga ay maagang nagtungo si Aling Coring Manok sa tabi ng sapa. Maraming kangkong doon at alam niyang mabuting pampalakas ng katawan ang usbong ng kangkong.

Payapang-payapa si Aling Coring sa kanyang pangunguha ng usbong, nang makaramdam siya ng marahang kaluskos sa dakong likuran. Nang siya'y sasagpangin na lamang, biglang nagtatakbo si Aling Coring at nakaligtas mula kay Landong Bayawak. Ngunit nanag dumating siya sa bahay ay nakalawit ang dila sa paghingal at maputlang-maputla sa takot.

"Muntik na akong mapatay ni Landong Bayawak," ang wika ni Aling Coring Manok. "Mabuti na lamang at nakatakbo ako."

Takang-taka si Mariong Sisiw sa nakitang pagkatakot ng kanyang ina. Isa-isa niyang nalaman na bukod pala kay Luciong Lawin at Manok Uwak ay may Landong Bayawak pa na dapat katakutan.

"Bakit kaya natatakot sa Landong Bayawak na yan ang aking ina, Toniong Tandang?" ang tanong ni Mariong Sisiw na nanliligaw sa kanyang kapatid.

"Aba, talaga! Kung ako'y takot kay Landong Bayawak, ang Nanay mo pa kaya?" ang wika ni Toniong Tandang. "Si Landong Bayawak ang nakapatay sa aking kapatid na dalawang beses nang nanalo sa sabong."

Isang hapon ay magkakasama ang mag-iina sa tabi ng sapa na malayo sa kinakitaan ni Aling Coring Manok kay Landong Bayawak. Maraming pagkaing natagpuan ang mga sisiw at nagkakaingay ang mga itong pinag-aagawan. Hindi tuloy napansin ni Aling Coring ang muling kumakaluskos mula sa isang malagong puno ng akasya sa tabi niya.

Ngunit sa halip na magtatakbo si Aling Coring Manok ay nanalaban siya mula kay Landong Bayawak. Pinagtutuka niya ang bayawak samukha hanggang sa natakot na rin ito at nagtatakbong palayo.

Nang nasa bahay na si Aling Coring Manok ay saka siya nilagnat sa takot.

Ngunit tuwang-tuwa at nagmamalaki si Mariong Sisiw nang dumating si Toniong Tandang.

"Toniong Tandang," ang wika ni Mariong Sisiw, "Dahil sa amin ay lalaban pala ng patayan ang aming mahal na ina."





Ang Magkaibigang Isda



"Ang nakikinig sa saway at payo ng mga nakatatanda ay napapabuti,
Nguint ang mapangahas ay kadalasa'y nasasadlak."

Ang karagatan ay punung-puno ng maraming kasaysayan. Ang kasaysayang ito na mababasa mo ay nahahalintulad din sa kasaysayang maaaring mangyari sa lupa. Ating tunghayan at alamin ang kanilang pagkakahalintulad.

Noong isang panahon sa isang maliit na ilog na dumadaloy sa karagatang Pasipiko ay may tatlong isda. Ang pinakamaliit ay punung-puno ng sigla na hindi siya mapipigilang lumangoy hanggang sa pinakamalayong bahagi ng ilog nang nag-iisa.

Isang araw ay sumapit siya sa bahagi ng ilog na dumadaloy sa bibig ng dagat.

Ang lawak pala ng mundo,” wika niya sa sarili. "Ang akala ko’y napakalaki na ng ilog na tinitirhan namin.”

Nagmamadaling bumalik ang maliit na isda sa ilog at nakatagpo niya ang dalawa niyang kasamahan.

Nais kong tingnan ang buhay sa karagatan. Mukhang napakarami kung matutuhan sa kalawakan nito,” ang sabi ng maliit na isda.

Mapanganib pumunta doon,” wika ng malaki at marunong na isda. “Higit na ligtas ka rito laban sa mga mangingisda sa dagat,” ang dugtong pa nito.

Ngunit palayo na ang isdang maliit.

Huwag kayong mag-alaala,” sambit niya. “Di ako matatagal. Babalik din ako dito sa atin.”

Pagsapit niya sa bunganga ng dagat ay mabilis siyang naanod ng hugos ng tubig.

Ang laki pala talaga nitong karagatan. Ni wala akong makitang mga batong malalaki, di tulad sa aming ilog.”

Boom! Boom!” ang narinig niyang tunog sa malayong dako.

Ano kaya iyon?” nagtatakang wika niya.

Lumangoy siyang patungo roon. Ngunit nahinto siya at nakita niyang maraming maliliit pang isda kaysa kanya ang lumulutang sa tubig. Kung hindi hilo ay malamang na patay na ang mga ito.

Pabalik na siya sa ilog. “Ayaw ko na yatang magpatuloy pa,” wika niya. “Mukhang mapanganib nga rito.”

Ngunit hindi siya makapagpatuloy. Siya ay dala-dala ng lambat ng isang mangingisda.

Noon lumabas ng dalawa niyang kaibigan. Lumukso ang mga ito sa tubig at nagpakita sa mangingisda.

Ang lalaki ng mga isdang iyon!” ang sabi niya ay sabay angat ng lambat upang sila naman ang hulihin.
Nakawala ang maliit na isda at ang dalawang kaibigan niyang isda’y mabilis ding lumangoy kasama niyang pabalik sa ilog.

Salamat, mga kaibigan,” wika ng maliit na isda.” Kung hindi sa tulong ninyo marahil ay wala na ako.”

“Lihim kaming sumunod sa iyo,” wika ng isa.

May narinig akong mga putok at nakita kong maraming mga isda ang naglutang sa tubig. Ano ba iyon?” tanong niya.

Ah, iyon ay mga putok ng dinamita. Ginagamit ng ilang masasamang mangingisda iyon upang mapadali ang paghuli nila ng isda,” wika ng malaking isda.

Naniniwala ka na ba sa amin? Ang lugar na kinalakhan mo ay tahimik at maraming kaginhawaang maibibigay sa iyo,” wika niya.

Ang panganib ay di gaano at marami tayong magtutulungan,” sagot ng kasama niya.

Hindi na ako lalayo dito. Pakikinggan ko ang payo ninyo at salamat na muli mga kaibigan.

At patuloy siyang lumangoy sa malamig na tubig ng ilog.

Saturday, August 20, 2011

ANG UNGGOY AT ANG BUWAYA

"Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,
Makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal."



Matagal nang nanginginain si Unggoy ng isang puno ng makopa na hitik sa bunga. Naisip niyang maglubay pansumandali. Tumanaw siya sa ibayo, sa kabila ng ilog. Ibig naman niyang tikman ang saging doon. Pinagmasdan niya ang ilog at kanyang napansin na wala siyang matutulayan. Mabuti sana kung nakalitaw ang ilang malalaking tipak ng bato o kaya ay may lumulutang na kahit tangkay ng saging. Subalit sa kabutihang palad, natanaw niya si Buwaya.

Naisip ni Unggoy na hindi naman niya kaibigan si Buwaya, subalit makikipagsapalaran siya. Ang ginawa niya'y mabilis siyang bumaba sa puno ng makopa at nagmadaling lumapit kay Buwaya.

"Kaibigang Buwaya," tawag ni Unggoy. Nagulat si Buwaya, "Maaari bang ihatid mo ako sa kabilang pampang?"

Nagtaka si Buwaya. Subalit madali niyang pinawi ang kanyang pagtataka nang mapagmasdan ang malusog na unggoy.

"Bakit hindi, kaibigang Unggoy. Sakay na at ihahatid kita sa kabila."

Madaliang lumundag si Unggoy sa makapal na likod ni Buwaya. Lumiyad nang ganap si Buwaya at banayad na tumawid na. Nang nasa gitna na ng ilog, tumigil saglit si Buwaya at patawa itong nagsalita. "Aha! Wala kang kawala, Ginoong Matsing. Tuso man daw ang matsing, napaglalalangan din. Kailangan naman akong magpakabusog sa pinakahihintay kong atay mo."

Subalit maliksing nag-isip si Unggoy. "Ngunit, kaibigang Buwaya, nakahihiya talaga s aiyo. Alam kong ibig na ibig mo ng atay kaya talagang inilaan ko na ito sa iyo. Isinabit ko nga sa punong makopa. Hayun!" At itinuro ang punong hitik sa mapupulang bunga. "Ngunit nagmamadali nga ako kaya nakalimutan kong naisabit ko pala. Kaya kung ibig mo, bumalik tayo roon upang kunin ang atay na kinasasabikan mo."

Walang sandaling sinayang si Buwaya at mabilis niyang ibinalik si Unggoy sa pampang na pinanggalingan. Nang makasapit na sila sa pampang, wala ring sandaling sinayang si Unggoy. Mabilis siyang lumundag sa pampang. At nang nasa pampang na ay patawa naman siyang nagsalita: "Aha! Sino ngayon ang dapat na magtawa?"

Ang buwaya ay galit na galit sa kanyang sarilu sapagkat siya ang napaglalangan ng matalinong si Unggoy.

Ang Matsing at ang Dalawang Pusa

"Kapag hindi matunong magbigayan, malungkot ang kalalabasan.
Dapat ay parehong magparaya, nang sa gayon lahat ay makinabang."

 
  


Si Don Juan ay puno ng isang angkan na kinikilala at iginagalang sa nayon ng Pag-asa.

Punung-puno ng iba't-ibang uri ng hayop ang napakalaking bakuran ni Don Juan.

Isang araw, dalawang pusa ang nagtatalo at di malaman kung paano nila hahatiin ang malaking isda na ibinigay sa kanila ng katiwala ni Don Juan. Ang mga pangalan ng dalawang pusa ay Muning at Kuting. "Gusto ko ang bahaging may ulo," sabi ni Muning. "Kung ganoon, higit na malaki ang mababahagi ko sapagkat papaliit ang dakong buntot," sagot ni Kuting. "Aba, hindi ako makakapayag nang ganoon. Hatiin natin sa gitna at iyo ang parteng may buntot at akin naman ang bandang ulo," sabi ni Muning.

Sa pagkakataong yon ay dumating si Matsing at ganito ang kanyang sinabi;

"Makinig kayo sa akin. Bayaan ninyong ako na ang maghati nitong pinagkakagalitan nyo. Babawasan ko nang kaunti ang bandang ulo para wala ka nang tutol sa hatian, Kuting."

At biglang kinurot at kinain ni Matsing ang bahagi ng laman sa may tiyan.

"Ano na iyang ginawa mo, Matsing? Tingnan mo at malaki pa ang bahagi sa may buntot samantalang ang bahagi ko ay lumiit na," bati ni Muning.

Dinampot ni Matsing ang bahaging may buntot at kumurot din at sa madaling panahon ay lumiit ang bahaging tiyan.

"Pambihira ka naman, Matsing. Hindi ako papayag na higit na malaki ang maiuwi ni Muning," wika ni Kuting. "Huwag kang mag-alala, madali lang gawan ng paraan iyon," sabi ni Matsing.

Ang ngayo'y paagaw na kinuha ni Matsing ang nalalabi pang bahagi ng isda sa may bahaging ulo.

"Oo nga pala, hano!" Halos hindi na nagpaalam si Matsing at sinunggaban na lamang bigla ang isda na hawak ni Kuting.

Nang mapansin ng dalawang kawawang pusa na wala na pala silang paghahatian, hinabol nila si Matsing ngunit itong madayang si Matsing ay higit na mabilis na tumakbo kaysa sa kanilang dalawa.

Nakita ninyo ang kinalabasan ng dalawang magkasamang hindi marunong magbigayan. Bumalik si Muning at si Kuting sa dati nilang kinalalagyan. Pareho silang malungkot at gutom na gutom, at galit na galit kay Matsing.

Ang Ibon at ang Langgam



"Ang pagtutulungan ay mabuting gawa,

Ang pagdadamaya'y napakadakila,
Magtulungan tayo at managana,
Magdamayan tayo'y magtatamong-pala."


Mayroong isang langgam sa tabi ng batis,Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig, sa nilutang-lutang at inikit-ikit, kamatayan niya’y lalong lumalapit.

Sa tabi ng batis; sa may sanga ng kahoy ay may namumugad namang isang ibon, sa kawawang langgam nagbigay ng tulong,naglaglag ng isang maliit na dahon.

Sa dahong nalaglag langgam ay kumapit,Kaya’t nakaligtas siya sa panganib.Ang pasasalamat ay di mahulip,“Makagaganti rin!” ang ipinagsulit.

Sa nasabing puno ng kahoy ang langgam ay gumawa ng bahay. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.Gumawa ng punso o puntod at pinagsikapang bantayan ang ibonHabang nabubuhay. Ilang araw lamang ang nakalipasMay isang binata ang lumabas sa gubat.May saklay itong pana sa kanyang balikat at ang ibon ay siyang hinanap.

Nang napapagod na’y nakaramdam ng uhaw ang binataKaya’t nakarating siya sa batisan. Dito niya nakita ang ibonNa siya niyang pakay, nasa sanga ng kahoy at gustoNiyang hulihin, at kara-karaka’y kinuha ang kanyang panaAt papanain n asana ang ibong kawawa. Ngunit nagulantangNa lamang ang binata nang sugurin ng mga langgam ang kanyang paa.

Sa pagkagulat ng binata nahulog ang kanyang sibat, nagkaroonNg pagkakataon ang ibon para makalipad. Ang binata naman sa Sakit ng mga kagat dulot ng mga langgam sa pook na yaon ay umalis agad.Ang nangyaring ito sa ibon at sa langgam saksing mahalagaSa pagtutulungan. Iligtas mo ako sa kapahamaka’t, Ililigtas kita sa kapanganiban.

Friday, August 19, 2011

Dracula Jokes and Funny Facts

Dracula is one of my favorite fiction characters of all time. I was fascinated by his other-worldly charm and grace (Yes, Dracula has grace!) ever since I was given a copy of Bram Stoker's Dracula as gift on my 15th birthday. From that moment on, my interest in him grew as years passed. I watch every movie about the famous count and read every article I can find in the internet. Yes, you can guess that if he really exist I'll be his number one fan... and stalker?!

Here is a collection of my favorite Dracula jokes and I hope you enjoy them as much as I do.
 



DID YOU KNOW?

When Dracula goes out on a date with a woman he always feels like necking!

Dracula is a person who becomes jocular when viewing a jugular.

Dracula is definitely a pain-in-the-neck.

Dracula fell in love with a woman vampire, but they couldn't get married. You might say they loved in vein.

Not many people know this, but when Dracula was a boy he had to wear braces --- the poor kid had bucked fangs!

I've heard that when Dracula goes to sleep he sometimes has horrible bitemares.

Count Dracula has just run off with a giraffe. He fell madly in love as soon as he saw her neck!

Dracula is known to love flowers. On Sunday afternoons he can often be seen with his family at the Bat-anical gardens.

When he's through with one victim and ready for another, Dracula yells, "Neck-st!"


DRACULA AND THE DENTIST


"I'll have to charge you one hundred dollars to fill this cavity," said the dentist to Dracula.
"But that's impossible!" answered Dracula. "Your rates are only twenty dollars per cavity."
"Generally that's correct, but as soon as you came into the waiting room you frightened away all my other patients.:

When Dracula woke up from the anaesthetic, he saw the dental surgeon standing over him.
"I've got some good news and some bad news," said the dentist. "First the bad news --- I pulled the wrong fang. Now the good news --- your other fang doesn't need pulling after all."

"Mommy," said young Dracula, "That dentist wasn't painless like he advertised."
"Did he hurt you dear?"
"No, but he screamed just like any other dentist when I bit his pinky."



DRACULA AND FRIENDS

Dracula said to Wolfman, "I hate to be the one to tell you this, but you look like you're going to the dogs!"

Dracula took his ghoul-friend to the theater. After the show, he took her for a bite!

Dracula thinks of children as his own flesh and blood...
...He's always happy to have another child. He says, "I like to feel I'm bringing new blood into the business."

Dracula and an Indian were having a rest after giving blood at the clinic.
"Are you a full-blooded Indian? asked Dracula.
"Usually I am," replied the Indian, "but right now I'm a couple of pints short."


DRACULA'S FAMILY

Dracula's son: All the boys at school tease me --- they say I'm a vampire.
Mother: Don't pay any attention to them --- they're just ignorant children. Now finish your soup before it clots.

Dracula's son shows signs of becoming a real artist --- he loves to draw blood.

Dracula's caring wife said to him, "You don't look well --- your eyes are all bloodshot."

Dracula's son: What's a dentist?
Dracula: Just think of her as a filling station.

Dracula's wife claims a dentist is someone with a lot of pull.


SO...

If you open your door and see Dracula, what should you do?
Me? I'll pray it's Halloween!


P.S.

Just a thought --- does Dracula have a wisdom fang?

Thursday, August 18, 2011

Ang Kalabaw at ang Uod


"Huwag hamakin ang maliit sa atin,
Bagkus tulungan kung kakailanganin."

"Igalang natin ang karapatan ng iba,
Para naman tayo ay irespeto nila."


"Huwag mong galawin ang aking bahay. Ibig kong matulog." Pakiusap ng uod na natutulog. Ngunit lalong lumakas ang galaw ng punong-kahoy. Nakita niyang kinakaskas ng isang kalabaw ang kanyang ulo sa punong-kahoy, kaya pala ito nayuyugyog ng ganun na lamang.

"Bakit ibig mong matulog, e, maliwanag na at kay ganda-ganda ng umaga," wika ng kalabaw.

Hindi nalalaman ng kalabaw na sadyang may panahong dapat matulog ang uod ng ilang linggo bago magkaroon ng pakpak at makalipad. Noo'y kasalukuyang nananaginip sa kanyang pagtulog ang uod at umaaasang pag-gising niya'y isa na syang magandang paru-paro.

Ikinaskas na naman ng kalabaw ang ulo niyang kumakati sa punong-kahoy.

"Sinabi nang huwag akong gambalain sa aking pagkahimbing ah! Bayaan mo akong makatulog," ulit ng uod.

"At sino kang pipigil sa akin? Isang uod ka lamang!" sigaw ng kalabaw na siya pang nagagalit.

Ginalaw niya nang ginalaw ang punong-kahoy hanggang sa mahulog ang uod.

"Ngayon," sabi ng kalabaw, "diyan ka sa lupa kasama ng mga kapwa mo bulati."

"Namamali ka!" sagot ng uod. "Akala mo isa lamang akong bulati. Makikita mo at balang araw may pakpak na ako at isa na akong magandang paru-paro."

"Hindi mo ako mapaniniwala!" sagot ng kalabaw. "Tutuntungan lamang kita's patay ka na ngayon din!"

Tumadyak ang kalabaw upang pisain ang uod, ngunit ito'y nakagapang sa isang malapit na butas sa punung-kahoy. Doon siya nakatulog nang husto. Nang walang magawa ang kalabaw, hinamon na lamang ang uod.

"Lumabas ka riyan, uod. Isama mong lahat ang iyong mga pinsan at lumaban kayo sa akin!"

"Lumayas ka na kalabaw," sagot ng uod. "Bayaan mo muna akong makatulog. Humanda ka pagkatapos ng dalawang linggo, magkita tayo sa malaking parang kasama kong lahat ang mga kulisap at ibong lumilipad. Isama mong lahat ang malalaking hayop-lupa at maglalaban tayo. Araw ng Sabado pagkalipas ng dalawang linggo, magkikita tayo sa malaking parang, tandaan mo!" ulit ng uod.

Umalis na ang kalabaw at nakatulog na ang uod. Pinuntahan na ng kalabaw ang lahat ng hayop-lupa at pinagsabihan ang mga ito ukol sa nalalapit na labanan. Biyernes pa pagkalipas ng dalawang linggo, nagising na ang uod. May pakpak na at dahan-dahan itong ginalaw. Isa na siyang marikit na paru-paro. Nasalubong nya sa himpapawid ang dakilang lawin. Sinabi niya ang labanang nalalapit ng mga hayop-lupa at mga hayop na lumilipad.

Kinabukasan, Sabado. Maagang-maaga sa Malaking Parang ang kalabaw kasama ang maraming kalabaw, mga toro, baka, kabayo, aso, pusa at unggoy. Inaantay nila ang mga ibon at kulisap na kalaban.

Walang anu-ano'y dumating nang sumusugod ang malaking lawin, kasunod ang lamok, bubuyog, kuliglig, uwang, salagubang at balang.

Tinuka agad ng lawin ang malalaking hayop. Mabilis na nilibot ng balang, uwang at salagubang ang taynga at ilong ng mga malalaking hayop. Kinagat naman sila ng lamok at namantal ang buo nilang katawan.

"Ano ang sinasabi mo ngayon?" tanong ng paru-paro sa kalabaw.

"Wala na! Layas na kayo! Lipad na kayo nang malayo!" Sunod-sunod na wika ng kalabaw.

"Hindi kami lalayas!" sagot ng paru-paro. "Titigil kami rito at hindi kami uurong sa labanan!"

Unang tumakbo ang kalabaw, kasunod ang mga kasama niyang malalaking hayop na gumagalaw sa lupa. Samantalang nagdiwang sa himpapawid ang mga hayop na lumilipad.

"Maliit Man at Matindi, Daig ang Malaki"