Tuesday, July 29, 2008

Ang Alamat ni Mariang Makiling


SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (talón, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (seda, silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan” nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga “paninda.” Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang

Wednesday, July 23, 2008

Ang Alamat ng Pinya

Nuong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang isang
batang babae. Ang pangalan niya ay Filipina at ang kanyang palayaw ay Pina.
Bata pa si Pina nang maulila kaya siya ay kinupkop ng kanyang tiyahing si Marta.

Si Pina ay mabait, masipag, at mapagtiis samantalang ang kanyang tiyahin ay
tamad, masungit, at pabaya sa buhay. Nang bata pa si Pina ay nagkasakit siya
ngunit hindi siya ipinagamot ni Marta bagay na naging dahilan upang manlabo
ang kanyang mga mata. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi na niya
mabasa ang mga aralin sa paaralan. Kuntento na lamang siya na tumulong sa
mga gawaing bahay at makipaglaro sa mga kapwa bata.

Lumipas pa ang maraming araw at mas lumubha ang panlalabo ng kanyang
mga mata. Kadalasan kapag sila ay naglalaro ng taguan ang mga salbaheng
bata ay hindi na nagtatago at sa halip ay nanatiling nakapaligid sa kanya.
Sapagkat bahagya niyang naaaninang ang mga kalaro ang mga salbaheng bata
ay kinukurot siya sa iba't-ibang bahagi ng katawan habang kinukutya ang kanyang
kapansanan. Ang lahat ng mga eto ay kanyang pinagtitiisan.

Isang araw habang siya'y naglalaro sa harapan ng kanilang bahay ay galit na
tinawag siya ni Marta. "
Pina, maghugas ka ng mga pinggan at kaldero sa kusina.
Ang tamad- tamad mo!
" sigaw si Marta. "Pagkatapos mong maglinis sa kusina ay
maglaba ka
."

Agad namang iniwan ni Pina ang paglalaro at nagtungo sa kusina upang
maghugas. Ano ba't dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata ay di sinasadyang
natabig niya ang lalagyan ng mga pinggan at baso, at bumagsak ang mga gamit
sa sahig. Nang makita ni Marta na nabasag ang ilang plato at baso ay labis
siyang nagalit. Kinuha niya ang walis tingting at malakas na pinagpapalo si Pina
sa kanyang mga binti.

"
Wala kang silbi! Dapat ang ulo mo'y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo
ang lahat ng nasa paligid mo!
" malakas na sigaw ni Marta habang pinapalo pa rin
si Pina.

"
Tiya, patawarin po ninyo ako. Hindi ko po sinasadya," pagmamakaawang
pakiusap ni Pina. Ngunit lalo pang nilakasan ni Marta ang pagpalo sa kanya.

Nang di na matitiis ni Pina ang sakit ng pagpalo sa kanya ay umiiyak siyang
tumakbo sa labas ng bahay patungo sa kalapit na kagubatan. Lumipas ang
maghapon at hindi bumalik si Pina. "
Babalik din siya kapag siya ay nagutom, "
sabi ni Marta sa kanyang sarili.

Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi bumalik si Pina.
Hindi rin nakatiis si Marta at kasama ang ilang bata ay hinanap nila si Pina.
Ngunit siya ay naglaho na parang bula. May mga nag-isip na si Pina ay kinupkop
ng isang diwata sa kagubatan na naawa sa kanyang kalagayan.

Lumipas pa ang maraming araw. Isang umaga ay nagulat na lamang ang lahat
nang may nakita silang halaman na umusbong sa harapan ng bahay ni Marta.
Ang halaman ay nagbunga ng isang prutas na korteng ulo at may mga mata sa
paligid. Bigla nilang naalala si Pina at ang sinabi ni Marta sa kanya: "
Dapat ang
ulo mo'y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo ang lahat ng nasa paligid
mo
."

"
Si Pina siya!" biglang nasambit ng isang kapitbahay sa kanyang mga kasama.
Ilang salbaheng bata ang lumapit upang maki-usyoso. Subalit paglapit nila ay
pawang nangatusok sila ng matutulis na tinik sa dulo ng mga dahon ng halaman.
Naalala nila ang ginawang pag-aapi kay Pina. "
Si Pina nga siya," anang isang
salbaheng bata.

"
Ayaw na ni Pina na nilalapitan natin siya." Sigaw ng isa pang salbaheng bata.
"
Ayaw niyang kinukurot natin kaya tayo naman ang tinutusok ng kanyang mga
tinik.
" "Si Pina nya! Si Pina nya!" magkakasabay na sigaw ng mga bata habang
itinuturo nila si Marta na nasa harapan ng bahay at nakatingin sa kanila.

Mula nuon tuwing makikita ng mga tao ang halaman at ang prutas nitong hugis
ulo na maraming mata ay tinatawag nila etong si
Pina nya. Nang lumaon ay
naging
Pinya na lamang ang naging tawag nila dito.

Mga Katagang Tagalog at Kawikaang Filipino

Agaw-buhay - naghihingalo; muntik o malapit ng mamatay
Agaw-buhay na ang biktima ng sakuna nang isinugod sa ospital.
Ang maysakit ay agaw-buhay na nang dumating ang doktor.


Balat-kayo - huwad; hindi totoo
Balat-kayo lamang ang ipinakitang ugali ng kanyang manliligaw.
Ang mga pulitikong mapagbalat-kayo ay hindi dapat iboto.


Biglang-yaman - nagkamal ng limpak na salapi; yumaman nang
biglaan
Biglang-yaman si Ron nang tumama sa loto.
Si Weng ay biglang-yaman nang mapangawasa ang milyonaryong si Mark.


Bukas-palad - mapagbigay sa kapuwa; galante sa buhay
Bukas-palad ang pamahalaan sa mga biktima ng lindol.
Marami ang humingi ng tulong sa kanya dahil siya ay kilalang bukas-palad.


Lumang-tugtugin - lumang pag-ugali o dahilan; bagay na nakasanayan
    dahil laging ginagawa.
Lumang tugtugin na iyan kaya wala ng naniniwala sa sinasabi mo.
Mga lumang tugtugin na ang ipinapangako ng mga pulitiko tuwing halalan
.


Maasim na ubas (sour grape) - isang katagang hinango sa isang pabula ni
Aesop.
Basahin dito ang pabula upang malaman ang kahulugan ng katagang
maasim na ubas.


Mababang-loob - maawain; madaling maawa
Siya ang takbuhan ng kanyang mga kaibigan dahil kilala ang kanyang pagiging
mababang-loob
.


Mababa ang luha - madaling umiyak o mapaiyak; masyadong iyakin
Ayaw kong manood ng pelikulang madrama dahil mababa ang luha ko.
Mababa ang luha ng kasintahan ko kaya madali siyang umiyak kapag
nagkakatampuhan kami,


Tanging-yaman - natatanging bagay na pinahahalagahan o ipinagmamalaki
Ang aming tahanan ang tanging-yaman naming mag-anak.
Ang iyong pinag-aralan ang tanging-yaman mo
.


Tawang-aso - tawang mapangutya; tawang hindi bukal sa loob.
Tawang aso ang isinagot ni Mon sa mga pagbibiro ni Carl sa kanya.
Alam kong hindi ka talagang natutuwa dahil sa tawang-aso na ipinamalas mo.


Walang utang na loob - Di marunong gumanti sa kabutihang tinangkap.
Si Jake ay walang utang na loob sa kanyang mga magulang kaya parang
minamalas sa buhay
.

Ang Lobo at ang Ubas

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com:


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "
Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas
," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "
Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon
," ang sabi niya sa sarili.


Mga Aral:

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "
sour grape" o "maasim
na ubas"
dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang
sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.


Mga halimbawa.

Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang
nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay
maaaring magsabi ng "
hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto."
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang
sour graping lamang.

Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay
dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan
tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil
ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal.
Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay
sour-graping lamang.

Ang Daga at Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"
Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin
" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"
Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko
," sabi ng leon.

"
Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"
Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.


Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.

Ang Kabayo at ang Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"
Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"
Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko
,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.


Mga aral ng pabula:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.

Ang Palaka at ang Kalabaw

Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.

"
Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan.
May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay,
nakakatakot! po!
" sigaw ng batang palaka.

"
Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw,"
natatawang sagot ng amang palaka.

"
Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.

"
Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, "
pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at
pinalaki ang kanyang tiyan.

"
Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.

"
Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung
pinalaki ang kanyang tiyan. "
Ganito ba kalaki?" tanong niya.

"
Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.

Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng
suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas
na "
Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng
ng amang palaka.


Mga aral ng pabula:
Alamin ang hangganan ng iyong kakayahan. Ang kayabangan ay
kadalasang nauuwi sa sariling kapahamakan.

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"
Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?
"
pakiusap ng kalabaw.

"
Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"
Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko
," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"
Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"
Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon
," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.


Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

Ang Pabula

Ano ang pabula?

Tulad ng kwentong bayan at alamat, ang pabula, na isang uri ng salaysay ay likhang-isip lamang kaya’t mahirap mangyari o sadyang di mangyayari. Nagtataglay lagi ng mga aral na maaaring patnubay sa ating buhay ang mga pabula na karaniwan ang nagsisiganap ay mga hayop. Sa mga naisulat na pabula, kilala lalo na si Esopo, bantog na mangangathang Griyego. Ipinupunla ng mga pabula sa isip ng mga bata ang katapangan, kagitingan, kagandahang asal, pananampalataya sa isang Lumikha, at iba’t iba pang pag-uugali ng tao.


Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na
katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang
paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo
(tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami
pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang
mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan
sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa
maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa
lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,


Sino si Aesop?

Si Aesop ang itinuturing na ama ng ancient fables dahil sa kanyang
isinulat na mga pabula na naging bantog sa buong mundo. Si Aesop ay
isang Griego (Greek) na namuhay noong panahong 620-560 BC. Siya ay
isinilang na kuba at may kapansanan sa pandinig. Siya ay unang lumaki
na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino
ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang
maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at
nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan. Siya ay lumikha
ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay sumulat ng mahigit sa 200
pabula na isinalin sa iba't-ibang wika.


Ano ang kahalagahan ng mga pabula?

Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa
lamang, ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas nang panahon ang
pabula ay ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay
sa mga bata bago sila patulugin ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil eto ay
ginagamit sa ibang paraan upang kapulutang ng mga aral sa
makabgong pamamaraan. Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang
pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan and
kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa
kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa
kanilang mga katunggali sa negosyo.

Mga Salawikain, Kasabihan at Kawikaan


Ang salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga salitang Tagalog
na katumbas ng salitang proverbs sa english.

Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Karamihan sa mga Pilipino proverbs ay minana natin sa ating mga
ninuno kaya kadalasan ang mga eto ay tumatalakay kanilang mga
karanasan at pag-uugali nuong mga unang panahon.

Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan,
at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa
angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa
kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.


Heto ang ilan sa ating mga paboritong tagalog proverbs or words of
wisdom::


Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din eto sa kasalan.


Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng
mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu
lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa
siyang mangailangan ng pera.


Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat
siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.


Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
nakalaan para sa iyo.


Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing
biyaya


Lahat ng gubat ay may ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na
gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa
samahan ng bawat isa.


Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa
mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang
pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa
pagkukulang ng ibang tao.


Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at
pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at
pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)
anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga
magulang.


Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa
ay tutulungan ka rin.

Mga Salawikain, Kasabihan at Kawikaan

Mga Salawikain, Kawikaan, at Kasabihan


Ang salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga salitang Tagalog na katumbas ng salitang proverbs sa english.

Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Karamihan sa mga Pilipino proverbs ay minana natin sa ating mga ninuno kaya kadalasan ang mga eto ay tumatalakay kanilang mga karanasan at pag-uugali nuong mga unang panahon.

Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.


Heto ang ilan sa ating mga paboritong tagalog proverbs or words of wisdom::


Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din eto sa kasalan.


Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.


Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.


Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.


Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya


Lahat ng gubat ay may ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.


Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.


Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.


Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.

Tuesday, July 22, 2008

Ang Alamat ni Bernardo Carpio


Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.

Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo.

Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.

Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na kagubatan ng San Mateo.

Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.

Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.

Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.

Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikan ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sa pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapan silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay pa eto.

Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging matagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito ay gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulong ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi na makapamuno sa himagsikan.

Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay may nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upang sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.

Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na sumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kung tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mga Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng agimat na taglay ng engkantado.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandang bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib ay naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang kanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.

Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unting siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.

Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may paanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayari kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upang humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga halinghing at pag- aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawala ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil lagi silang magkasama.

Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong sila ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilang kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato at nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng engkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakita si Bernardo.

Monday, July 21, 2008

Bakit ang Araw ay mas maliwanag kaysa sa Buwan


Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae, sina Araw at Buwan. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda at kasingbusilak ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Umakyat si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , natuklasan niya na ang brilyantemg kanyang ninakaw ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panghihimasok ni Buwan, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat at ibinato nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante.

Sa kasalukuyang panahon, ang mas maliwang na brilyante ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Ang Alamat ng Ibong Maya


Si Rita ay isang batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng mga batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

Source: De Guzman, Maria Odulio (1972), Mga Alamat ng Pilipino, Nationa Bookstore, Inc.: Manila, Philippines