Wednesday, July 23, 2008

Mga Katagang Tagalog at Kawikaang Filipino

Agaw-buhay - naghihingalo; muntik o malapit ng mamatay
Agaw-buhay na ang biktima ng sakuna nang isinugod sa ospital.
Ang maysakit ay agaw-buhay na nang dumating ang doktor.


Balat-kayo - huwad; hindi totoo
Balat-kayo lamang ang ipinakitang ugali ng kanyang manliligaw.
Ang mga pulitikong mapagbalat-kayo ay hindi dapat iboto.


Biglang-yaman - nagkamal ng limpak na salapi; yumaman nang
biglaan
Biglang-yaman si Ron nang tumama sa loto.
Si Weng ay biglang-yaman nang mapangawasa ang milyonaryong si Mark.


Bukas-palad - mapagbigay sa kapuwa; galante sa buhay
Bukas-palad ang pamahalaan sa mga biktima ng lindol.
Marami ang humingi ng tulong sa kanya dahil siya ay kilalang bukas-palad.


Lumang-tugtugin - lumang pag-ugali o dahilan; bagay na nakasanayan
    dahil laging ginagawa.
Lumang tugtugin na iyan kaya wala ng naniniwala sa sinasabi mo.
Mga lumang tugtugin na ang ipinapangako ng mga pulitiko tuwing halalan
.


Maasim na ubas (sour grape) - isang katagang hinango sa isang pabula ni
Aesop.
Basahin dito ang pabula upang malaman ang kahulugan ng katagang
maasim na ubas.


Mababang-loob - maawain; madaling maawa
Siya ang takbuhan ng kanyang mga kaibigan dahil kilala ang kanyang pagiging
mababang-loob
.


Mababa ang luha - madaling umiyak o mapaiyak; masyadong iyakin
Ayaw kong manood ng pelikulang madrama dahil mababa ang luha ko.
Mababa ang luha ng kasintahan ko kaya madali siyang umiyak kapag
nagkakatampuhan kami,


Tanging-yaman - natatanging bagay na pinahahalagahan o ipinagmamalaki
Ang aming tahanan ang tanging-yaman naming mag-anak.
Ang iyong pinag-aralan ang tanging-yaman mo
.


Tawang-aso - tawang mapangutya; tawang hindi bukal sa loob.
Tawang aso ang isinagot ni Mon sa mga pagbibiro ni Carl sa kanya.
Alam kong hindi ka talagang natutuwa dahil sa tawang-aso na ipinamalas mo.


Walang utang na loob - Di marunong gumanti sa kabutihang tinangkap.
Si Jake ay walang utang na loob sa kanyang mga magulang kaya parang
minamalas sa buhay
.

No comments:

Post a Comment