Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.
"Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan.
May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay,
nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.
"Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw,"
natatawang sagot ng amang palaka.
"Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.
"Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, "
pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at
pinalaki ang kanyang tiyan.
"Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.
"Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung
pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya.
"Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.
Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng
suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas
na "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng
ng amang palaka.
Mga aral ng pabula:
Alamin ang hangganan ng iyong kakayahan. Ang kayabangan ay
kadalasang nauuwi sa sariling kapahamakan.
Sino po ang may akda nitong kwento
ReplyDeletetanga mo
ReplyDelete