Wednesday, August 13, 2008
ANG ASO AT ANG PUSA
Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.
Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.
“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”
Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.
GINTONG ARAL MULA SA PABULANG ITO:
Nararapat lamang na tuparin natin ang ating ipinangako at nang sa gayon ay igalang tayo ng ibang tao.
SALAWIKAIN MULA SA PABULANG ITO:
Ang taong sinungaling dapat maging matandain; sa nilubid niyang daing siya’y mahahalata rin.
Pag pinatulan mo ang munting kaaway malamang na ikaw pa ang masaktan.
Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
An utang na loob magpakaliit man, utang at utang din kahit mabayaran, sa pakitang loob at tapat na damay ay walang salaping sukat maitimbang.
Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang ikli nmn nya pwede pki habaan
ReplyDeletepabula nga diba gamit brain ba sus
Deletenga namn
DeleteCnu po author ni12?
ReplyDeletesino ang may akda ??
ReplyDeleteChem and Anonymous(2):
ReplyDeleteSi A.M. Batubalani ang may akda ng pabulang ito. Ang Loacan Publishing House na matatagpuan sa 516 Callejon F. Bato St., Gagalangin, Tondo, Manila ang may nagpamahagi at may karapatang ari sa naturang akda.
I hope this helps. Thanks for visiting my website. :)
maganda na eh
ReplyDeletepwde habaan?
garbe huh! ang ganda marami kang mapupulutan na aral
ReplyDeletenabitin ako ang ganda pa mo
ReplyDeleteano bayan ang ganda ng isytorya
ReplyDeleteAng ganda?
ReplyDeletenino??.
DeleteKaya nga pabula eh??
ReplyDeleteANO PO LAYUNIN NITONG PABULA?
ReplyDeleteang ikli.. nabitin ako..
ReplyDeleteMaganda..kaso medyo kulang..
ReplyDeletewow its so wonderful
ReplyDeletemaganda talaga iyong kwento na ito marami ang aral na ating matutunan
ReplyDeleteano po ang gintong aral nitong kwento na ito?
ReplyDeleteano ANG SPCEIAL SENTENCE
ReplyDeleteI was hoping to know more about the writer..may link ba para sa bio niya?
ReplyDeleteang ganda ng istorya....
ReplyDeleteAno po yung pinagpapasasaan??
ReplyDeleteano puba ang buod sa istorya
ReplyDelete